Hi guys! Angelique Amara here. Alam nyo ba na mauutas ako bago ako makapagpost sa blog na ito. Ahahaha. Anyway, ngayon ko lang ulit sya nabuksan at sobra nakakastress bago ko to mabuksan. Nautas talaga ako kasi may sakit ako tapos nabinat tuloy ako. Ahahaha. 2 days na ako absent sa work dahil sa tonsilitis ko. Kanina umaga paggising ko akala ko makakapasok na ako pero narealize ko na sobra sakit ng lalamunan ko at di talaga ako makapagsalita. ahahahah. Super grateful nga pala ako kasi naka 100k reads na ang "My Girlfriend is an Alien!" clap clap clap. Alam nyo ba kung bakit ako nastress?! Lagi kasi ako nasstress dahil sa work ko haisst. Tapos pinapagalitan pa ako ng boss ko na maligalig. Ahahah!
What's up with me?
What's up with me?
Nagpunta nga pala kami sa Rizal nung last month. Ahahaha. Meron kasi kaming church conference para sa mga single adults na katulad ko. Chos. Nag overnight stay kami sa Sierra Madre Hotel at grabe, sobrang layo nya as in alas tres ng madaling araw kami nag tipontipon sa batangas para sabay sabay tapos 10 o'clock na ata kami nakarating. Ahahahaha. Isa pang utas. Pero sulit naman ang view at ang experience. Super dami kong natutunan!